Valenzuela LGU, kinondena ang ginawang pananakit ng dalawang pulis sa traffic enforcer

Kinondena ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City ang ginawang pagbabanta at paghampas ng baril ng dalawang lasing na pulis sa isang traffic enforcer dahil sa masamang titig.

Kwento ng traffic enforcer na si Ronaldo David, pagsasabihan lang sana niya ang dalawang pulis dahil wala itong suot na helmet at naka-short at tsinelas lang ang mga ito na labag sa dress code ng lungsod.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Depensa naman ng dalawang pulis napikon lang sila sa makahulugang titig ni David.

Read More:  Army’s newest Lieutenants include seven from Negros’ CHICKS Area

Sinampahan na ng kasong grave threat at physical injury ang dalawang pulis.

Ayon sa Manila Police District, na-relieve na rin sila sa kanilang puwesto at mahaharap sa kasong administratibo.