Mayor Guo, nakaranas umano ng pagkapagod at trauma dahil sa mga nangyaring pagdinig sa Senado

Inihayag ni Bambam Tarlac Mayor Alice Guo na prayoridad muna niya sa ngayon ang kanyang kalusugan at peace of mind.

Base sa post ni Guo sa kanyang social media account, sinabi niya na nakaranas umano siya ng sobrang pagkapagod at trauma dahil sa mga naunang  pagdinig at mga kasong inihain laban sa kanya.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Nababahala rin aniya ang alkalde kung bakit pinagtutuunan siya ng pansin ng ilang senador at tanggapan.

Read More:  DTI expands areas under 60-Day Price Freeze amid Habagat, Typhoon Impact

Giit pa ni Guo sakaling may ebidensya laban sa kanya ay handa siyang harapin ito sa proper forum.