Konstruksyon ng Pagasa Island Airport Development project sa Palawan, pinamamadali na ng Pangulo

Pinamamadali na ni Pangulong Bongbong Marcos ang konstruksyon ng Pagasa Island Airport Development Project sa lalawigan ng Palawan.

Sa kanyang talumpati kanina sa pamamahagi ng Presidential Assistance sa Palawan, sinabi ni Pangulong Marcos na maliban sa Pagasa Airport, prayoridad rin ang Puerto Princesa Airport Development Project.

Read More:  ‘Sigabo’ production attends MTRCB compliance seminar

Ayon sa Pangulo, bahagi ito ng pagpapalago ng turismo at pagpapabuti ng transportasyon sa naturang lalawigan.

Bukod sa dalawang airport, binanggit rin ng Pangulo ang malapit nang matapos na Ibato-Iraan Small Reservoir Irrigation Project sa bayan ng Aborlan, Palawan at ang Dr. Damian Reyes Road sa Marinduque.

Read More:  Ombudsman says INC rally won’t stop Marcoleta probe

Nasa huling bahagi na rin anya ang ginagawang Balabac Military Runway, lalo na’t malaki ang papel na gagampanan ng Palawan sa pambansang seguridad.

Naniniwala ang Punong Ehekutibo na makakatulong ang mga naturang infrastructure project upang mas lumago ang ekonomiya ng MIMAROPA.