Pinsala ng pagbaha sa BARMM – lalo pang lumawak

Umakyat na sa 424 na barangay mula apat na probinsya sa BARMM ang apektado ng nagpapatuloy na pagbaha.

Pinakamaraming bilang mula sa Maguindanao Del Sur na may mahigit 74 na libong pamilya ang apektado, sinundan ng Special Geographic Area, Maguindanao Del Norte at Basilan.

Read More:  Marcos cancels public events, monitors EDSA rally

Umakyat na rin sa walo ang naitalang patay, 5 mula bayan ng Matanog, 2 mula Kapatagan at isa sa Pagalungan, habang 2 katao pa ang patuloy na nawawala mula Balabagan.

Read More:  ATOM condemns  Cayetano’s repeated use of ‘Laban’ sign at INC EDSA rally

Samantala halos nasa limang libong pamilya pa rin ang nasa ibat-ibang mga evacuation center.

Kaugnay nito nagppatuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng BARMM Government sa mga pamilyang naperwisyo ng baha. (with reports from DENNIS ARCON – 89.3 BNFM COTABATO)