Mga unibersidad sa Bangladesh pinasara dahil sa nangyaring pagproprotesta

Inanunsyo ng Dhaka- Bangladesh na wala pang tiyak na oras ang pagsasara ng mga  pampubliko at pribadong unibersidad dahil sa nangyaring pagprotesta.

Hindi bababa sa anim na indibidwal ang namatay at madami rin ang sugatang mag-aaral.

Read More:  Spain transport minister resigns following deadly train collision

Lalong tumindi ang mga demonstrasyon matapos tumanggi si Prime Minister Sheikh Hasina na tugunan ang mga hinihingi ng mga nagpo-protesta.

Read More:  ‘Star Trek’ and ‘X-Men’ actor Patrick Stewart dies at 86

Ayon sa mga nagpo-protesta, ipinaglalaban nila ang sistema ng quota para sa mga trabaho sa gobyerno.

Sa ngayon nasa 32 milyong kabataan sa Bangladesh ang walang trabaho at hindi nagkapag-aral (BRIGADA NEWS INTERN KHEN ALIX)