Imbestigasyon ng fact-finding committee ng COMELEC kay Guo, posibleng matapos na ngayong linggo

Inaasahang matatapos na ngayong linggo ang mga eksaminasyon ng fact-finding committee ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga papeles ni suspended Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, inaalam pa rin nila kung mayroong pagsisinungaling sa certificate of candidacy ni Guo.

Read More:  Taguig denies 911 delay, DILG probes incident, says Remulla

Maliban dito ay binubusisi rin aniya ng ahensya ang mga dokumento, lalo na ang fingerprint ng alkalde na hawak nila, maging ang mga nakuhang mga dokumento mula sa National Bureau of Investigation (NBI).

Read More:  Cendana seeks more mental health funds after Ateneo shooting

Noong Lunes, una nang sinabi ni Garcia na posibleng sa susunod pang linggo mailalabas ang resulta ng fact-finding investigation laban kay Guo.

Ito ay matapos umano nilang bigyan lang ng dalawang linggo ang fact-finding committee para tapusin ang imbestigasyon.