Investment at risk management framework ng MIF na precondition para sa unang investment, aaprubahan sa Huwebes

Inaasahang maaaprubahan na sa Huwebes ng board ng Maharlika Investment Corporation ang investment at risk management framework o I&RM ng Maharlika Investment Fund.

Ayon kay MIC President and CEO Rafael Consing, ang I&RM Framework ang tinatawag na precondition upang makapagsagawa ng unang investment ang MIF.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Ang investment and risk management framework ay naglalaman ng detalyadong mga polisiya, estratehiya, at risk management practices na magiging gabay sa paggawa ng desisyon sa pamumuhunan at pamamahala ng portfolio ng MIC.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Nabatid na target ng MIC na maging “up and running” na ang sovereign wealth fund ng bansa sa huling quarter ng taon.