Kai Ballungay, pinili ng kupunan na Phoenix Fuel Masters sa PBA

Kumuha pa ang Phoenix Fuel Masters ng mas maraming kabataan na player matapos piliin ng francise ang Ateneo de Manila University standout na si Kai Ballungay sa PBA Season 49 Rookie Draft noong Linggo.

Ang 22-anyos na si Ballungay ay makakasama ang mga player na tulad nina Ricci Rivero, Ken Tuffin, Tyler Tio, Sean Manganti, at Simon Camacho, na pinangungunahan ni head coach Jamike Jarin.

Read More:  Alex Eala enters second US Open main draw with career-high ranking

Nais naman ni Kai na malaki ang kanyang maitulong sa kanyang bagong kupunan base sa kanyang experience noong huli niyang championship sa kolehiyo.

Read More:  Alex Eala to face No. 10 Amanda Anisimova in Cincinnati Open

Ayon pa sa kanya na pangarap talaga nito na makatapak sa PBA at sobrang laking pasasalamat niya sa taas dahil isa siya sa pang-apat na napili sa overall pick ng nasabing draft sa PBA. (BRIGADA NEWS INTERN – KHEN ALIX)