Kaso ng dengue sa Quezon City, tumaas nang mahigit 60 percent sa loob lang ng dalawang linggo

Nakapagtala ang Quezon City government ng mahigit animnapung porsyentong pagtaas sa kaso ng dengue sa loob lamang ng dalawang linggo.

Ayon sa Quezon City Epidemiology Disease and Surveillance Unit, mula June 23 hanggang July 6 ay pumalo sa 138 ang kaso ng dengue sa lungsod.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Mas mataas ito nang 64 percent kumpara sa walumpu’t apat na kaso mula June 9 hanggang 22 ngunit walang naitalang namatay.

Nabatid din ng lokal na pamahalaan na biglang tumaas ang dengue cases sa Quezon City sa loob lamang ng isang buwan.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Sa kabuuan, mula January 1 hanggang July 10 ngayong taon ay nasa 1,504 na ang kaso ng dengue sa Quezon City at 3 ang naiulat na namatay.

Apatnapu’t tatlong porsyento umano ng mga pasyente ay tatlo hanggang apat na araw ang itinatagal bago magpakonsulta.