PNP, nagbabala sa pagsusunog ng effigy sa SONA

Nagbabala ang Philippine National Police sa mga may planong magsunog ng effigy sa mga kilos-protesta na isasagawa kasabay ng State of the Nation Address ni Pangulong Ferrdinand Marcos Jr. sa July 22.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, naglabas na ng advisory ang Quezon City Police District na mahigpit nilang ipagbabawal ang pagsusunog ng effigy.

Read More:  Suspected P10-M ecstasy shipment from Canada leads to American’s arrest

Malinaw aniya sa Batas Pambansa 880 na ipinagbabawal ang pagsusunog ng effiggy at maaari nilang arestuhin ang mga susuway sa nasabing batas.

Sinabi ni Fajardo na maaaring magsagawa ng kilos-protesta ang mga militanteng grupo sa SONA pero limitado ito sa mga freedom parks.

Read More:  Marcos cancels public events, monitors EDSA rally

Nilinaw din ng PNP na nananatiling no rally zone ang Commonwealth area at papayagan lang magsagawa ng aktibidad sa bahagi ng Tandang Sora sa Quezon City.

Sa ngayon, hinihintay pa ng PNP mula lokal na pamahalaan ng Quezon City kung may mga grupong naka kuha ng permit to rally.