Nawawalang painting ni National Artist Fernando Amorsolo, narekober na

Na-recover na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang painting na “Mango Harvesters” ni National Artist Fernando Amorsolo na nanakaw kamakailan.

Ang 88-year old artwork ay dinala na sa National Museum, at authenticated na.

Read More:  Taguig denies 911 delay, DILG probes incident, says Remulla

Matatandaang nanakaw ang ito sa isang museo sa Silay, Negros Occidental noong July 3.

Naging bahagi ito ng collection ng Hofileña Museum – isang pasilidad kung saan kinokolekta ang mga obra ng mga renowned Filipino artists.

Read More:  Abante says Duterte impeachment trial should end before December

Ayon kay Silay City Police Station chief Police Lieutenant Colonel Mark Anthony Darroca, naka-hang lamang ang painting sa dingding, nang isilid ito sa bag ng mga salarin.