Pagsasaayos sa mga pasilidad sa Kamara, 90 percent nang tapos ilang araw bago ang SONA ng pangulo

Halos patapos na ang ginagawang renovation sa ilang pasilidad ng Kamara bilang preparasyon sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay House Media Affairs and Public Relations Service Director Joaquin Santiago, mahigit siyamnapung porsyento nang kumpleto ang renovation sa Batasan Pambansa.

Read More:  Sen. Imee Marcos urges Senate to complete flood control probe

Kabilang sa isinasaayos ang lobby ng Main, North at South Wing building kung saan ilalatag ang red carpet na daraanan ng mga kongresista, senador, VIP at iba pang bisita.

Kasama rin sa inihahanda ang silid kung saan mananatili si Pangulong Marcos at ang first family pagdating sa Batasan Complex.

Read More:  Duterte defense opposes ICC request to inspect seized items

Samantala, kasado na ngayong Lunes, July 15 ang final coordination meeting ng mga opisyal ng Kamara, Senado, Office of the President at MMDA.

Gayundin ang walkthrough sa mga silid at iba pang pasilidad ng Kamara.

Sa hatinggabi ng July 18 ay ipatutupad na ang lockdown sa Batasan Complex.