GF ni Joshua, okay sa balik-tambalan ng JoshLia

Walang isyu kay Emilienne Vigier ang muling pagtatambal ng dating love team at ex-couple na si Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ayon kay Joshua, bago pa maging sila ng kanyang partner ay alam na nito ang pagiging aktor niya sa trabaho.

Read More:  Sachzna Laparan breaks silence on ‘Miss Flawless’ controversy; Angelica Jones calls for apology

Supportive rin daw si Emilienne sa kanilang upcoming movie, kahit alam niyang mag-ex sa totoong buhay ang dalawa.

Makikita rin sa Instagram stories ni Emiliene na madalas siyang mag-repost ng mga proyekto ng kanyang boyfriend.

Read More:  Lea Salonga makes history as first Filipina to receive Hollywood Walk of Fame star

Para naman kay Julia, sinabi niyang secured silang dalawa ni Joshua sa mga posisyon nila sa buhay kaya aniya, “Lahat ng nasa paligid namin, masaya para sa amin, minamahal pa rin kami.”