Senadora, muling ipinanawagang ideklara ang July 12 bilang West Philippine Sea Victory Day

Naniniwala si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na marapat lang ipagdiwang taun-taon ng Pilipinas ang West Philippine Sea Victory Day.

Anya, sa pamamagitan nito ay hindi lang maalala ng bansa ang naging pagkapanalo nito sa Permanent Court of Arbitration noong 2016 dahil magsisilbing daan din ito upang igiit ang karapatan sa WPS.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Alinsunod nito, muling ipinanawagan ng senadora ang pagdeklara sa araw na ito bilang WPS Victory Day.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Maalala, ayon sa inihaing resolusyon ni Hontiveros noong nakaraang taon, binigyang-diin niyang taliwas sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang ipinaglalabang ‘nine-dash line’ ng China.

Samantala, suportado naman din ni Senador Win Gatchalian ang pagdeklara nito.