4 na taga-suporta ng NPA, sumuko sa kapulisan sa Isabela at Cagayan

Sumuko sa kapulisan ang apat na mga taga-suporta ng rebeldeng NPA sa Lambak ng Cagayan.

Kinilala ang mga sumuko na mula sa lalawigan ng Isabela na sina alyas Vangie, 42-anyos at alyas Imee, 36-anyos na kapwa residente ng Matusalem, Roxas

Ito ay sa pamamagitan ng “Project Sagip” ng Isabela PPO.

Habang nagbalik-loob naman si Alyas Vic, 35-anyos at residente ng Sitio Villa Miranda, Dibuluan, San Mariano, Isabela matapos ang ilang serye ng Retooled Community Support Program (RCSP) activities, Project MASK (Malasakit Akmang Sagot sa Krisis) at project SUBLI ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Isa ring CTG supporter ang sumuko sa lalawigan ng Cagayan na kinilalang si alyas Berto, 54 anyos, at residente ng Zone 1, San Francisco, Baggao, Cagayan.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Naisipan din niyang sumuko makaraan ang pagsasagawa ng Lingkod Bayanihan sa kanilang barangay at sa pagtutulungan ng 2nd Mobile Force Platoon, 204th Mobile Company at Baggao Police Station.

Muli namang nanawagan si RD PBGEn. Crizaldo Nieves sa mga natitira pang kasapi ng CTG at mga taga-suporta na magbalik-loob na rin at tamasahin ang mga benepisyo na maaring makuha sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).