Natanggap ng Police Regional Office 2 ang Golden Eagle Award dahil sa PGS Institutionalized Status ng PRO2 sa isinagawang Conferment Ceremony sa SINAGTALA P.A.T.R.O.L.ers’ Hall, Center for Police Staregy Management, Camp Rafel BGEN Rafael Crame, Quezon City.
Personal na iniabot ni PNP Chief PGEN Guillermo Lorenzo Eleazar ang naturang parangal kay RD PBGEn Crizaldo Nieves kasaby din ng pagbati sa mga kapulisan ng lambak ng Cagayan.
Mayroon nakuhang rating na 95.5 % ang PRO2 sa PGS Institutionalization Stage.
Nagpasalamat naman si RD Nieves sa Regional Advisory Council and Stakeholders sa kanilang kontribusyon sa matagumpay na pag-abot sa requirements ng PGS Institutionalization Stage.
Aniya, ang mabigyan ng Gold Eagle Award ay isang natatanging papuri para sa mahusay na serbisyo ng kapulisan.
Samantala, pinuri rin ni Gen. Eleazar ang “Lingkod Bayanihan Libreng Pabahay Project” ng PRO2 sa mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.
Photo/ PRO2