NSC, mariing itinanggi ang paratang ng China nagdudulot ng environmental damage ang pagpwesto ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Mariing itinanggi ng Pilipinas ang paratang ng China nagdudulot ng “environmental damage” ang pagpwesto ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni National Security Council Spokesperson Jonathan Malaya na walang katotohanan ang akusasyon ng mga umano’y “chinese experts” at maituturing umano itong “misdirection.”

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Sa katotohanan ayon kay Malaya, ang China pa nga ang nagdudulot ng “irreparable damage” sa mga corals at nakakapaminsala sa kabuhayan ng libo-libong mga Pilipinong mangingisda.

Read More:  Marcos urges water conservation, home gardening ahead of Super El Niño

Samantala, sinabi rin ni Malaya na may ebidensya ang Pilipinas sa mga iresponsableng paninira ng corals ng China sa Bajo de Masinloc, Rozul Reef, Escoda Shoal, Sabina Shoal, at Pag-asa Cays 1, 2, at 3.