P1.6M halaga ng smuggled cigarettes, nakompiska sa  isang paupahan sa Puerto Princesa City Palawan

Tinatayang nagkakahalaga ng Php 1,660,400.00 ang mga nakumpiskang smuggled cigarettes sa isang paupahan sa Puerto Princesa City nitong sabado ng hapon sa Kalye Alisangco, Purok Kaakbayan, Barangay Tiniguiban.

Nasawata ng mga operatibab mula sa 2nd Special Operations Unit kasama ang iba pang kawani ng batas  ang nasa 493 reams ng ilegal na sigarilyo sa isang kwarto ng paupahan sa bisa ng search warrant.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Una nang naiulat na may naabutang lalaki sa area ng mga kontrabando na si Alyas “Bert” na tumanggi na may kinalaman sya sa mga smuggled na sigarilyo.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Samantala, sa ngayon ay patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad ang nasa likod ng pagpuslit ng mga kontrabando.