Bangkay ng lalaking, nakagapos ang mga kamay at paa, natagpuan sa ilalim ng isang tulay sa Catanduanes; pagkakakilalan, inaalaam pa ng mga awtoridad

NATAGPUAN ang isang bangkay ng lalaking nakagapos ang mga kamay at paa sa ilalim ng isang tulay sa boundary ng barangay Milaviga at Guiamlong sa Caramoran Catanduanes.

Nakita ito ng mga residente sa naturang lugar matapos na umalingasaw ang isang masangsang na amoy at agad na pinuntahan at biglang tumambad sa kanila ang isang bangkay na balot na balot ang ulo ng packaging tape at nasa decomposition stage na.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Batay sa naging inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, ang biktima ay may taas na 5’5, nakasuot ng dark blue t-shirt na may pokemon design at naka dark blue na shorts at naniniwala silang hindi ito residente ng kanilang lugar.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa ngayon ang bangkay ng lalaki ay nasa kustudiya na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Caramoran para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon at pagkakakilanlan ng bangkay. ### KENNETH BERMIL

Courtesy: CATPPO