Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng PH at Japan, lalagdaan ngayong araw

Magsasagawa ngayong araw ng courtesy call kay Pangulong Bongbong Marcos sina Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko at Defense Minister Kihara Minoru sa Palasyo ng Malacanang.

Kasabay ng kanilang courtesy call, sasaksihan ni Pangulong Marcos ang paglagda sa Reciprocal Access Agreement o RAA sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Read More:  Tarriela, Chinese academic clash in heated exchange over Ayungin Shoal

Ang RAA ay kahalintulad ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Sa ilalim ng naturang kasunduan, inaasahang mapapadali ang joint exercises, paggamit ng military bases, at rotational deployments ng Japanese Self-Defense Forces sa Pilipinas.

Read More:  Sandiganbayan suspends ex-House Speaker Martin Romualdez for 90 days

Layunin ng RAA na palakasin ang mutual defense at tugunan ang regional security threats tulad ng sa West Philippine Sea.

Nabatid na nasa Pilipinas sina Foreign Minister Kamikawa at Defense Minister Kihara para dumalo sa ikalawang Foreign and Defense Ministerial Meeting o 2+2.