CBSUA, pumirma ng memorandum of agreement sa ilang LGUs para sa libreng internet connection sa mga estudyante

NAGA CITY—Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan sa pagitan ng pamunuan ng Central Bicol State University of Agriculture at ng mga Lokal na Pamahalaan sa Pili, Calabanga at Pasacao.

Naroon din ang management ng Baao Community College para pormal na ipatupad ang Institutional Development Innovation Grants Program na magbibigay ng libreng internet connectivity sa mga identified campuses ng CBSUA.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Sa pamamagitan ng MOA ay mapagtitibay ang kasunduan sa pagitan ng mga LGU at ng CBSUA para sa tuloy-tuloy na internet connection sa mga marginalized sector na malaking tulong sa mga mag-aaral na nasa online learning.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon naman sa LGU Pasacao, ilalagay ang free internet access sa Sta. Rosa Del Norte Barangay Hall at San Cirilo para sa mas malawak na coverage.

Sisikapin ng Pamahalaang Lokal sa tulong ng nasabing institusyon na maipagpatuloy ang antas ng edukasyon sa bayan kahit nasa gitna ng COVID-19 pandemic.