PNP, nagbabala laban sa ‘warrant of arrest’ text scams

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) laban sa kamakailang paglaganap ng mga text scams na nagbabanta ng kaso at pag-aresto.

Tinawag ng PNP Anti-Cybercrime Group na “warrant of arrest” scam ang bagong pakana.

Read More:  ‘Sigabo’ production attends MTRCB compliance seminar

Ang ilang mga text ay nagtatampok ng mga pangalan ng opisyal, mga tanggapan ng PNP, at mga salitang “warrant” at “subpoena.”

Sinasabi rin ng ibang mga text na bibisita ang isang sheriff upang tingnan ang ari-arian ng isang indibidwal.

Read More:  Arroyo says she would oppose impeachment move vs Ombudsman Remulla

Hinala ng PNP, may insider ang mga scam syndicate sa korte dahil karamihan sa mga recipient ay may mga kaso sa korte.

Samantala, pinaalalahanan nila ang publiko na manatiling mapagbantay laban sa iba pang katulad na scam.