Mukbang – planong ipagbawal ng DOH

Posibleng ipagbawal na ng Department of Health ang mukbang vlogs o ‘yung online content ng paglantak ng sangkatutak na pagkain sa bansa.

Ito’y kasunod ng pagkamatay ng mukbang vlogger na si Dongz Apatan dahil sa pagkain umano ng piniritong manok at atakihin sa puso.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa ang palaging panunuod nito ay maaaring mauwi sa eating disorder o internet addiction.

Read More:  Philippine peso hits record intraday low of ₱63.15 per dollar

Sinabi pa ni Herbosa na kung sakali na may kaugnayan ang mukbang vlogs ni Apatan sa pagkamatay nito posible ng tuluyang i-banned ang ganitong content.

Payo ni Herbosa sa publiko na maaaring kumita ng pera pero dapat hindi isasaalang-alang ang kalusugan.