Kampo ni suspended Mayor Guo – kumpiyansang mahina ang ebidensya laban sa kaniya

Nanindigan ang kampo ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na ang mga ebidensyang ibinabato laban sa alkalde ay hindi sapat.

Ayon kay Atty. Alex Avisado, ang nagsilbing kinatawan ni Guo sa pagdinig, ang mga items gaya ng electric bills at Articles of Incorporation ay mahina para suportahan ang mga kasong kaugnay ang qualified trafficking laban sa kanyang kliyente.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Giit nito, walang ebidensyang magpapakita ng ugnayan ni Guo sa human trafficking.

Read More:  VP Sara Duterte prays for Philippine peace and father Rodrigo Duterte’s safe return

Paliwanag pa niya na ang human trafficking ay dapat kinapapalooban ng patunay hinggil sa transport at transfer ng mga indibidwal nang may malicious intent gaya ng prostitution at slavery.