Pagbuwag sa K-12 – tinabla ni incoming Education Sec. Angara

Nanindigan si incoming Education Secretary Senator Sonny Angara na dapat pa ring sundin ang K to 12 program na ipinatupad sa ilalim ng batas.

Ito ang binigyang-diin ni Angara sa gitna ng mga panawagan sa kanya na ibasura na ang naturang programa na nagdadagdag ng 2 taon sa basic education ng bansa.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Sa isang pahayag, sinabi ng senador na obligadong sundin ang K-12.

Aminado raw ito na may ilang mga problema sa implementasyon ng senior high school program, at dapat aniya itong pag-aralan.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Kasabay nito, tiniyak niya ang pagsasaayos sa curriculum ng Grade 11 at Grade 12 upang masiguro ang professional growth ng mga estudyante.