PNP-IAS , pinag-iingat ang publiko laban sa mga impostor o pekeng IAS police officers

Pinag-iingat ng Philippine National Police – Internal Affairs Service sa publiko laban sa mga impostor o pekeng IAS police officers.

Ang pahayag ay ginawa ni IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, matapos silang makatanggap ng impormasyon na may mga taong nagpapanggap na IAS police officers na nagso- solicit ng pera kapalit ng protection at facilitation services.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Ayon kay Dulay, nakikipagtulungan na sila sa mga concerned unit ng PNP para maaresto ang mga pekeng IAS officers.

Nakakasira kasi sa imahe ng kanilang organisasyon ang naturang iligal na gawain.

Paliwanag nya, hindi trabaho ng IAS na makipagtransaksyon sa publiko na may layong makasira sa lehitimong law enforcement activities.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Babala ng IAS, sinumang magpapanggap bilang kanilang opisyal na masasangkot sa protection service ay mahaharap sa estafa sa ilalim ng Sec. 135 ng Revised Penal Code at Usurpation of Authority sa ilalim ng Section 177 of the Revised Penal Code.