23 na tour guide sa Quirino, sumailalim sa pagsasanay

Sumailalim sa dalawang araw na pag sasanay sa Basic Life Support and First Aid Training ang dalawampu’t tatlong tour guide sa lalawigan ng Quirino.

Isinagawa ito ng Provincial Tourism Office sa pakikipag tulungan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni Benjamin Viray.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kalahok sa epektibong pagresponde tuwing may emergency.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Nagtapos ang pagsasanay kahapon na isinagawa sa CFFQI Training Hall, Capitol Hills, Cabarroguis, Quirino.

PHOTO CREDIT: QUIRINO FB PAGE