Comelec magsasagawa ng Satellite voters registration sa Barangay San Roque, Mercedes ngayong araw

CAMARINES NORTE – Magsasagawa ng satellite voter registration ang Commission on Elections sa Barangay San Roque, Mercedes, Camarines Norte ngayong araw, July 4, 2024.

Ayon sa Comelec- Mercedes, gagawin ito sa Barangay Hall mula alas 8: 30 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Ang mga magpaparehsitro ay pinapaalalahanang  magdala ng anumang valid ID.

Ang San Roque ay isa sa pinakamalaking Barangay ng Mercedes na may mahigit kumulang walong libong populasyon o 13.60% ng total population ng naturang bayan batay sa 2020 census of population.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

Bukas naman, July 5 ay gagawin ang satellite voter registration sa Barangay Del Rosario covered court.

Batay sa pinakahuling datso ng Comelec  nasa 34, 370 ang total registred voters sa naturang bayan as of April 2024.