Teachers’ group – ‘di na nabigla sa pagpili ka Sen. Angara bilang bagong DepEd Sec

Hindi na raw nagulat pa ang Teacher’s Dignity Coalition (TDC) sa pagtatakda kay Senador Sonny Angara para maging bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay TDC national chairman Benjo Basas, nagpahiwatig na raw si Pangulong Bongbong Marcos sa mga nagdaan nitong pahayag hinggil sa kung sino ang ia-appoint nito.

Read More:  Sandiganbayan denies Revilla’s request to attend brother’s wake

Dagdag pa ni Basas, hindi kasama sa inilatag na criteria ng pangulo na hindi politician ang kaniyang pipiliin para sa puwesto.

Dito pa lang daw, batid na ng grupo na baka nga ang itatalaga ni Pangulong Marcos ay isang politician.

Read More:  DepEd warns students against fake news, pranks, and bomb threats

Bagaman hindi raw satisfied ang TDC na isa na namang pulitiko ang hahawak at mamumuno sa education sector, bukas pa rin daw sila sa pakikipagtulungan sa bagong kalihim ng DepEd.