Yate na hinihinalang ginamit sa pagpupuslit ng mahigit 1 toneladang shabu sa Batangas, kinumpiska ng BOC

Itu-turn over sa Auction and Cargo Disposal Division ng Port of Manila ang yate na pinaniniwalaang ginamit sa pagpupuslit sa bansa ng mahigit isang toneladang shabu na nagkakahalaga ng mahigit 9 na bilyong piso.

Read More:  DOT continues talks to appoint BINI as tourism ambassadors

Isinilbi ng Bureau of Customs ang Warrant of Seizure and Detention sa yate sa Nasugbu, Batangas.

Maliban dito, natuklasan din ng BOC, PNP, at PDEA ang tatlo pang yate na pawang walang dokumento.

Read More:  Home credit reaffirms commitment amid debt collection issue

Sa imbestigasyon, napag-alaman na ang karagdagang undocumented private yacht ay pag-aari lahat ng iisang indibidwal na hindi pinangalanan.