AFP, “aware” sa presensiya ng Chinese Navy aircraft carrier malapit sa Luzon

‘Aware’ ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa presensiya ng Chinese aircraft carrier malapit sa Luzon.

Ito ang sinabi ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo.

Read More:  Cayetano seeks Senate approval for Estrada, Marcoleta trial participation

Batay sa ulat, ang Chinese aircraft carrier ‘Shandong’ ay namataan 200 nautical miles mula sa Luzon, na siyang saklaw ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Trinidad na katulad ng ‘monstership’, ang South China Sea ay isang nautical highway na katulad ng EDSA, may karapatan ang mga barko dumaan sa pamamagitan ng UNCLOS sa ilalim ng freedom of navigation.

Read More:  Garin rejects claims linking saliva, runny nose to lying

Tiniyak ng AFP na patuloy ang ginagawa nilang monitoring sa ating maritime domain.