3-katao, nang-shoplift sa isang grocery store sa Real,Quezon; Isa, arestado

Arestado ang isang babae habang tinutugis pa ang dalawang kasamahan nito matapos umanong mang-shoplift sa isang grocery store sa Real, Quezon nitong Linggo, Hunyo 30.

Ayon sa report, dalawa umano sa mga suspek ang nagpanggap na customers at nang makapasok ang mga ito sa nasabing store ay doon na kumuha ng assorted groceries ngunit napansin ito ng helper at hinabol ang mga ito.

Read More:  Forced evacuations imposed in Pampanga and Bulacan as severe flooding worsens

Dito na nahuli si alyas “Myra”, 28-anyos habang nakatakas naman ang dalawa nitong kasama sakay sa isang sasakyan.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Narekober sa suspek ang assorted groceries tulad ng sigarilyo, de lata, gatas, at chocolate spread na may kabuuang halaga na ₱8,013.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga awtoridad si alyas Myra habang patuloy ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang madakip ang mga kasamahan nito.