2 ordinansa patungkol sa pag- utang ng LGU Basud ng halagang P353. 6 million lusot na sa ikalawang pagbasa ng Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE – Lusot na sa ikalawang pagbasa ang dalawang ordinansa patungkol sa pag- utang ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte ng halagang P353, 604, 276.00 para sa itatayong Basud Central Business District.

Sa regular na sesyon kahapon- inaprobahan ng konseho sa ikalawang pagbasa  ang hiling ng Alkalde na pag-ratify sa loan agreement, assignment at iba pang supporting documents patungkol sa loan/credit facility na pinasok ng LGU at Landbank of the Philippines.

Read More:  Farmer killed, friend wounded in shooting in Sibonga, Cebu

Kasabay nito ang pag- aproba sa ordinansa nag mag- a- authorize sa propsed borrowing ng LGU subject sa mga umiiral na batas, rules and regulations.

Read More:  Three CTG members surrender in Caraga as Army unearths arms cache

Kabilang sa mga ilalagay sa itatayong Central Business District ay public market, central terminal, recreation center at mayroon ding rentable lot sa palibot.