Mahigit 90 mga kaso ng Pertussis, naitala sa Bicol

BNFM BICOL – NAGKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) Bicol ng 98 na mga bagong kaso ng Pertussis sa buong rehiyon simula Enero 1 hanggang sa Hunyo 22.

Sa datos na inilabas ng DOH Bicol CHD, mayroong 39 na kaso sa Albay, 29 sa Camarines Sur, 25 sa Sorsogon, 3 sa Masbate, at 2 sa Camarines Norte at 2 naman ang kumpirmadong namatay sa nasabing sakit. 

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Sa ngayon wala pang naitatalang kaso sa probinsya ng Catanduanes.

Ang pertussis ay isang nakakahawang sakit na nakamamatay lalo na sa mga sanggol.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Dahil dito, inaabisuhan ng DOH Bicol ang publiko na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health center kapag may sintomas ng pertussis tulad ng sipon, ubo, at lagnat, lalo na kapag lumalala ang pag-ubo sa loob ng 1-2 linggo. ### Rumer Grant, Intern