Lalaki, pinagbabaril-patay habang ka-video call ang anak

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Camflora, San Andres, Quezon nitong Sabado, Hunyo 29.

Ayon sa report, nakahiga umano noon sa duyan ang biktimang si Hindri Ariñola, 68-anyos, habang nakikipag-usap sa kanyang anak sa video call nang barilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek saka tumakas.

Read More:  Missing lending collector from Bukidnon found buried in Lanao del Sur pineapple plantation

Dahil dito, isinugod sa hospital ang biktima para malapatan ng lunas subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Sa ngayon, nagsasagawa ng operasyon ang mga awtoridad upang madakip ang suspek at matukoy ang motibo nito sa pamamaril sa biktima.