Bangkay ng lalaki, itinapon umano sa Sariaya, Quezon

Natagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa gilid ng kalsada ng Barangay Castañas, Sariaya, Quezon nitong Biyernes, Hunyo 28.

Ayon sa report, nakagapos umano ang kamay ng biktima gamit ang nylon cord at may tama rin ng bala sa likod.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Hindi umano kilala ang biktima sa nasabing barangay kung kaya ipinapalagay pinatay ito sa ibang lugar at itinapon lamang sa Sariaya, Quezon.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.