Mahigit P2M halaga ng ilegal na droga na nakabalot sa watawat ng Pilipinas, nasabat ng mga awtoridad sa NAIA

Nasa mahigit dalawang milyong pisong halaga ng ilegal na droga na nakabalot sa watawat ng Pilipinas ang nasabat ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ayon sa mga awtoridad, mula sa Bacoor, Cavite ang parcel at ipapadala sana sa Palau kung saan isang nagngangalang Cui Lin Bo ang consignee.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Idineklara ang parcel bilang “kitchen wall stickers” na naglalaman ng mahigit 200 gramo ng hinihinalang shabu at ito’y ibinalot sa watawat ng Pilipinas, gayundin ng mga sticker at jacket na may mga pambansang kulay.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Itinurn-over na ng Bureau of Customs ang mga nasabat na droga sa NAIA PDEA-IADITG para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.