Ex-PRRD, tatratuhin nang patas at may respeto sakaling dumalo sa drug war probe ng Kamara

Tiniyak ni House Committee on Human Rights Chairman at Manila 6th District Representative Bienvenido A Abante Jr. na magiging patas at magalang sila kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling nagpasya ito na humarap sa pagdinig ukol sa war on drugs campaign at extrajudicial killings.

Ayon kay Abante, ginagawa nila ito sa bawat resource person na iniimbitahan para tumestigo sa imbestigasyon.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Bilang dating pangulo ng bansa at miyembro ng House of Representatives, sisiguruhin aniya nila ang kortesiya kay Duterte.

Paliwanag ni Abante, magsisilbing oportunidad sa dating punong ehekutibo ang imbitasyon upang personal na tugunan ang mga isyung lumutang sa pagdinig patungkol sa kampanya laban sa ilegal na droga sa panahon ng kanyang administrasyon.

Read More:  6 Central Luzon provinces declared among hardest-hit by typhoons and Habagat

Ang layunin umano ng imbestigasyon ay dinggin ang lahat ng panig at pananaw at mangalap ng impormasyon na may kaugnayan sa EJK na sinasabing konektado sa war on drugs.

Giit pa ng kongresista, malugod nilang tatanggapin ang lahat ng pahayag lalo na mula sa opisyal at personalidad na may kaugnayan sa anti-drug campaign dahil makatutulong ito sa komite sa paghahanda sa report at rekomendasyon.