Lalaki, pinagsasaksak ng nakaalitan sa Candelaria, Quezon

Sugatan ang isang 21-anyos na lalaki matapos itong pagsasaksakin ng kanyang nakaalitan sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria, Quezon nitong Miyerkules, Hunyo 26.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa labas umano noon ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang suspek at nagkaroon sila ng pagtatalo kung saan nauwi ito sa pananaksak.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Samantala, isinugod naman sa hospital ang biktima para malapatan ng lunas habang ang suspek ay naaresto ng mga awtoridad.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Sa ngayon, inihahanda na ang kaukulang reklamong Frustrated Homicide laban sa suspek.