Faith tourism, isa sa isinusulong ng bagong tourism brand na NagaYon

NAGA CITY -Isa sa mga isinusulong ng bagong tourism branding ng Naga City na NagaYon ang faith tourism o ang pagsama ng debosyon at pananampalataya kay Inang Peñafrancia sa mga produktong lokal kung saan ninanais ng lungsod na magdadala ito ng mga turista sa bawat pagpunta nila sa Naga.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Reuel Oliver, Naga City Investment and Tourism Office Head bilang pilgrimage city at sentro ng debosyon kay Ina, binuo ang branding na NagaYon sa loob ng anim na buwan upang masiguro na hindi lang basta produkto at mga serbisyo ang babalik balikan ng mga turista, maging ang malalim na paniniwala kay Ina na siyang mas nagpapaganda sa lugar.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Noong Hunyo 18, 2024, kasabay ng selebrasyon ng ika76 na Charter Anniversary ng lungsod, pormal na inilungsad ang NagaYon na mayroong official tagline “Pag Yaon Ka, An Naga, Mas NAGAYON”.