Mall goer kulong dahil sa biro

Kulong ang isang lalaki matapos nagbiro na may bomba sa entrance ng isang malaking mall sa Lanang, Davao City.

Ayon sa report ng Bajada Police Station papasok sana sa mall ang suspek na si alyas Nelson kasama ng kanyang partner nang biglang nagbiro umano na may lamang bomba ang bag nilang dala.

Read More:  American, Filipina couple found dead inside Dumaguete home after shooting
Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Ang pagbibiro ni Nelson nakapagbigay umano takot sa mga tao kaya agad silang inaresto ng mga security guard.

Nahaharap ngayon sa kaso ang suspek.