68-anyos, na babae mula sa bayan ng Basud Camarines Norte, nadagdag sa bilang ng mga namatay dahil sa covid- 19

Nadagdag sa bilang ng mga namatay dahil sa COVID- 19 ang isang 68 anyos na babae na si Bicol No19543 mula sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Dahil dito umakyat na sa tatlumput tatlo  ang kabuuang  bilang ng mga namatay sa lalawigan batay sa ulat ng Department of Health (DOH) kahapon at ika- apat naman sa bayan ng Basud.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Si Bicol No 19543 na mula sa Barangay Mandazo ay unang nakaramdam ng sintomas noong July 6, 2021 at hindi alam kung paano nahawa ng sakit.

Binawian siya ng buhay noong July 12 habang ginagamot sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Sa buong lalawigan ay pumalo na sa 1,112 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit makaraang madagdagan ito ng 31 bagong kaso kahapon.

Kaya naman umakyat na rin sa 659 ang aktibong kaso habang 666 naman ang gumaling.