‘Q Fever’ hindi na maituturing na outbreak dahil kontrolado na ayon sa DA

Kontrolado na at hindi na maituturing na outbreak ang sakit na ‘Q-fever’ sa Pilipinas ayon yan sa Department of Agriculture.

Ito ay matapos ma-depopulate ang mga kambing na infected ng naturang sakit.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel De Mesa, agad na tumugon ang gobyerno matapos makumpirma na nagpositibo sa Q-fever ang mga imported na kambing mula sa United States.

Sa kabila nito, patuloy pa ring pinag iingat ng Department of Health ang publiko laban sa kontak sa mga hayop na pinaniniwalaang may Q-fever.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Tiniyak rin ng DOH, na pag-aaralan nilang mabuti ang epekto ng naturang sakit sa kalusugan ng tao.