Wildfire sa Greece, hinihinalang sinadya

Nabalot ng makapal na usok ang paligid ng Athens Greece dahil sa panibagong sunog sa naturang lugar.

Malapit din ang gubat sa residential area kaya pinalikas ang  mga nakatira sa lugar.

Read More:  Iran retaliates after US launches fresh strike a month later

Gumamit pa ang mga bumbero ng mga helicopter para maapula ang wildfire.

Hinala ng mga otoridad sinadya ang sunog dahil may nakitang lata ng petrolyo sa lugar kung saan nagsimula ang apoy.

Read More:  Brazil fines TikTok $30-M over alleged failure to protect minors

Wala namang nasaktan sa insidente pero maraming ari-arian ang natupok.