Lalaki mula sa Lucban, Quezon, timbog sa drug buy-bust ops sa Tayabas City

Timbog ang isang lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Ibas, Tayabas City nitong Martes, Hunyo 18.

Kinilala ang nadakip na suspek na si alyas “Josh” 28-anyos, residente ng Lucban, Quezon.

Read More:  Radio broadcaster survives ambush in Roxas City

Nakumpiska sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱22,400 at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Read More:  PRO-8 files multiple charges against teen suspect in Tacloban School shooting

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.