Jaguar inanod ng baha, patay!

BANGKAY na ng matagpuan ang isang security guard matapos tangayin ng tubig-baha sa Barangay Radangan ng bayan Alamada, North Cotabato kamakalawa ng gabi.


Ayon sa report mula sa Alamada MDRRMO, nakilala ang biktima na si SG Ebrahim Sanday, 46 years old, na taga Barangay Pigkawaran at security guard ng hydro power plant sa nasabing lugar.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu


Nagbabantay lamang umano ang biktima sa nasabing hydro power plant ng bigla umanong rumagasa ang tubig-baha sanhi para sya ay anurin at kahapon pa ng umaga ito natagpuan.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City


Nakita ang bangkay ni Sanday sa bahagi ng Libungan River Polayagan-Mapurok Section.


Agad namang inilibing ng kanyang mga kaanak ang bangkay ng biktima samantalang patuloy din ang ginagawang assestment ng LGU dahil maraming napaulat na mga alagang baka, kalabaw at mga pananim ang inanod at sinira ng baha.