P692k halaga ng shabu, narekober sa Tabaco City; 3 high-value target, timbog

LEGAZPI CITY – Aabot sa P692,172 na halaga  ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng Philippine National Police – Police Regional Office (PNP-PRO5) sa isinagawang drug buy-bust operation sa Purok 4, Phase 2, Brgy. San Roque, lungsod ng Tabaco, Albay na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa tatlong mga high-value target.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Brad, 37 anyos, mangingisda; alyas Alex, 45 anyos at alyas Belle, 40 anyos, isang maybahay.

Nakumpiska ng mga operatiba ang 25 plastic sachets ng shabu na may timbang na humigit-kumulang 101.79 gramo.

Read More:  12 injured in BJMP prisoner transport crash in Cotabato

Nahahampang ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA9165 at kasalkukuyan nang hawak ng Tabaco CPS pati ang mga nakuhang ebidensya para sa kaukulang disposisyon.