Fogging kontra sa dengue ginagawa sa ilang mga barangay sa Naga City

NAGA CITY –  Nagsasagawa na ng fogging ang ilang mga barangay sa Naga City lalo na sa mga sona na may naitatalang kaso ng dengue sa layuning maitaboy ang mga lamok may dala ng sakit na ito, ang aedes aegypti na matatagpuan sa mga malilinis na tubigan.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Kaugnay nito, nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Dina Capistrato, isa sa Barnagay Health Worker ng Barangay Concepcion Grande, naturang lungsod at nabanggit niya na nadagdagan ang kaso ng may dengue sa kanilang lugar kaya naging abala sila sa pag fogging bukod sa pagpaalala nila sa ibang hakbangin laban dito.

Read More:  Academe, religious groups to hold prayer rally against SOCOTECO II-Ignite Power JVA

Pinaliwanag niya na sa kanilang paglilibot, nakita nila ang mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok na ito na makikita sa mga malilinis na tubig, sa mga container na walang takip,s a mga flower base, mga lata, gulong at maging sa alulod ng mga bahay, inilarawan niya ang klase ng lamok na nakita nila.