MVP Newsome – inalay ang unang kampeonato sa mga empleyado ng MERALCO

Inaalay umano ni Chris Newsome ang kauna-unahang kampeonato ng MERALCO sa lahat ng mga empleyado ng kumpanya.

Kasunod ito ng ginawa nilang pagpapataob sa San Miguel sa iskot na 80-78 kamakalawa para sa PBA Philippine Cup.

Read More:  PVL, Spikers’ Turf kick off new seasons in Cebu

Ayon sa Finals MVP – dine-dedicate niya ang panalo para sa mga empletado ng MERALCO na hindi nabibigyang-pansin.

Kabilang na raw dito ang mga linemen, na nagbubuwis ng buhay para matiyak ang suply ng ating kuryente.

Read More:  Chicago Bulls overpower Milwaukee Bucks, cruise to 125-104 win

Pinamalas ni Newsome ang dagger jumper upang sila ay makalamang ng dalawang puntos at matiyak ang kanilang pagkapanalo laban sa Beermen.