Kasambahay – patay matapos umanong subukang tumakas sa amo sa Lucena City

Patay ang isang kasambahay matapos nitong mahulog sa warehouse ng Lucena Mabuhay Lumber & Hardware sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City .

Sa panayam ng Brigada News FM Lucena kay PLtCol William Angway Jr, Lucena PNP OIC, sinabi nitong gusto nang umalis sa trabaho ng 36-anyos na biktima.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Dumaan umano sa fiber glass ceiling sa ikalimang palapag ang biktima subalit nasira ang bahaging ito kung saan doon na siya nahulog, at saka na binawian ng buhay.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa pagkasawi ng biktima. (with reports from BIEN MANALO – 92.7 BNFM LUCENA)